PANOORIN: ALJUR ABRENICA NAGPAPASALAMAT KAY ROBIN PADILLA!BAKIT KAYA ALAMIN!
MANILA -- Malaki ang pasasalamat ni Aljur Abrenica sa pagtanggap sa kanya ni Robin Padilla na ama ng kanyang fiancé na si Kylie Padilla.Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, aminado si Aljur na mas naging maganda ang buhay para sa kanila matapos maayos ang gusot sa pagitan nila ni Robin."Dati kasi parang may tinik. Kahit masaya kami ni Kylie, mayroong parang hindi suwabe lahat. Pero ngayon nasa harmony na. One of the best na pakiramdam noong nangyari yung pamamanhikan," ani Aljur na 'Papa Robin' na ang tawag sa ama ng kanyang mapapangasawa."Kasi 'yung suporta na natatanggap ko from Papa Robin at 'yung advise sa pagiging ama at pagiging good leader at good provider ay masarap sa pakiramdam 'yon. So, thankful ako sa kanya," dagdag ni Aljur na isa sa mga bida ng seryeng "Asintado."Nito lamang Pebrero ay naganap ang pamamanhikan ni Aljur sa mga Padilla.Nang matanong kung kailan ang kasal, sagot ni Aljur: "Saka ko na idi-detalye kasi pinaplano pa namin."Hindi naman nakasagot si Aljur nang matanong kung totoo bang naurong 'di umano sa Disyembre ang kasal nila ni Kylie na unang itinakda ngayong Hulyo.Sa ngayon ay pinaghahandaan nina Aljur at Kylie ang unang kaarawan ng kanilang baby na si Alas sa Agosto 4. source: http://news.abs-cbn.com/entertainment/07/02/18/aljur-nagpasalamat-sa-kanyang-papa-robin
PANOORIN NYO PO:
Loading...
Comments
Post a Comment